Search

c'est ne pas moi, c'est toi

i'm forever chasing after time.

Kahapon pa ako gising

May pasok na pala mamaya pero gising pa rin ako.
Oh, inang tulog, bisitahin mo naman na ako.
Patigilin mo naman ang utak na walang preno pa rin kakaisip at kakahintay sa walang kasiguraduhan.

Tokhang?

Bitbit ko na ang tikoy na matagal-tagal ko ring ipinangakong sa inyo’y dadalhin.
Pasensya na,
kung sa ngayon, eto lang ang madadala.
Sa susunod naman
kapag nakaluwag-luwag na’y,
asahang hindi lang ito ang matitikman niyo.
Isang dosenang tsokolate at prutas ang madadala ko sa inyo, inay at itay,
Lindsay, Abet, Nicolas.

Sabik na akong umuwi kaya naman kumaripas na ako ng takbo
Sa gitna ng magkakahilerang tahanang pinagtagpi-tagpi
at mga pawisang bata na maghapon atang nangalakal at nangalkal ng mga basura sa may batis sa ‘di kalayuan.

Habang papalapit ako sa aming tahana’y pansin ko na agad ang pulu-pulotong ng mga kapitbahay tila dumarami ata ang bilang sa bawat hakbang.
Bumigat ang aking puso dahil sa tahanan namin sila patungo.

Padaan! Tirahan namin ‘yan! Padaan! ‘Nay! ‘Tay! Lindsay! Abet! Nico!

Tumigil ang aking mga hakbang.
Kasabay ng pagtulo ng mabibigat na luha ay ang dahan-dahang pagbitaw ko sa kahon ng tikoy na kanina’y mahigpit ko pang hawak-hawak.

Binaha ng dugo ang lapag na dati’y lugar kung saan pinagsasaluhan namin ang tuyong madalas na hapunan.
Pinaligiran ng mga nagkalat na bala ang mga sulok kung saan madalas naming pinagkukumpol ang mga kalakal na nakolekta sa magdamag.
At ang banig kung saan kami nagbubulungan ng mga malalaking pangarap tuwing gabi, nagtatawanan sa mga problemang kinaharap namin sa maghapon at sa sumisikip na espasyo ng banig dahil sa paglobo ni bunso —
Sa banig na iyon ay nakahandusay ang kanilang mga bangkay.
Walang mga ngiti.
Walang mga pawis.
Walang mga ngiwi.
Hinahanap-hanap ko rin ang kaunting galit sa mukha ni inay.
Ngunit wala.
Wala.

Tokhang.
Tokhang.
Paulit-ulit ko itong naririnig sa pagitan ng aking mga hikbi.

Kinuha ko ang nakasilid na baril malapit sa paanan ni Itay.
Isang putok ang aking huling narinig.

#StoptheKillings ย #StopEJK

Photo source: The Philippine Star

They’re not interested in you.

img_20170111_112511_689img_20170111_112545_612

Kowts | Song on Repeat

img_20170111_112423_116

Source: weheartit.com

Baby, tomorrow is the 10th

img_20170115_223539_029I’ll wait for you until you whisper my name again
Until you tease the small of my back like you always did when you’re all around me
Until I feel your breath on my neck
Until your fingers play with me everywhere
Until your foot kisses mine.

I need to know that you’re still there when I open my eyes because tomorrow would be the 10th, the first day that we met —
that first day back in that lonely, little waiting room
when we were both anticipating for something to start
but we didn’ t meant this to happen.
Our loves were dying but nobody’s there to wrap us in their arms.
So, we took comfort in our shared grief instead
We held hands and that familiar force zapped between us
I never thought that I would miss that tiny spark that’ve eluded me for so long.

But now I’m back in that lonely, little waiting room
Just like that, after 3 long summers, I’m here again
Weeping, and staggering back and forth our favorite room
but I chose to lie down with you in the end instead.

My love is dying.
But I have to let him know that just like before,
I’m here to fill the void
I’m here to wrap him eternally around my arms.

Photo source: Art is a way of survival

cbfb44c8b3400c07b4719c15e7c16be0

Pilit Hugot #4

Buti pa yung cellphone, nagsasabi kung malo-lowbatt na. Eh ikaw?

img_20170111_112326_869

nandito na si inay

anak, alam kong nariyan ka
tanaw ko ang papalayo mong imahe habang papasok ka sa makulimlim na sulok ng kagubatan
nawawalan na ako ng hininga
ngunit patuloy akong tatakbo patungo sa ‘yo —
anak?
nariyan ka pa ba?
tila hinigop ng hangin ang iyong katawan
anak?
anak!
nasaan ka anak ko?
halina’t tumahaan ka na
nandito na si inay
nandito na ulit ako
hindi ko na muling lulubayan any iyong piling
oh, Diyos ko
anong ginawa nila sa iyo?
bakit namamaga ang iyong sentido?
bakit napuno ng pasa ang iyong mga binti’t braso?

Photo credits: Larissa de Jesรนs

Blog at WordPress.com.

Up ↑