Nakasulat lahat sa tubig (Magtanim ay ‘di biro)

Nakasulat lahat sa tubig (Magtanim ay ‘di biro)

Magtanim ay ‘di biro
Maghapon na nga’ng nakayuko,
Mga pananim pa ay tuyo.
Huling nagdilig ang ulan, tatlong buwan na ang nakararaan
Hudyat na naman ito ng isang bagong pakikipaglaban.

Kapalaran ang kalaban, hindi pala
Kayo din pala ay kalaban.
El NiΓ±o ang aming pangunahing katunggali
Ngunit pinatunayan ninyong kayo pala’y tunay na mga antagonista rin
Dahil, sa pang-ilan na nga bang pagkakataon, ang pangako ninyo’y muli na namang nabali.
Nabali? Nabali? Binali!

‘Di ‘man lang makaupo, di man lang makatayo,
Mga pananim pa ay tuyo
Balitang kutsero lamang ba ang mga pondo raw para sa aming sektor?
Hanggang tulak na nga lamang ba ng bibig ang bilyung-bilyong salaping hindi maibigay ng mga traydor?

Braso ko’y namamanhid, baywang ko’y nangangawit
Binti ko’y namimintig, sa pagkababad sa tubig…
At sa dagat ng sarili ko’ng dugo, gayundin ang aking mga kaliyag.
Pumuputok sa pula, nangingitim na usok, at bakal na tingga ang mundo sa paligid
Nakabubulag, nakabibingi, nakagagalit.

Sa umaga’y paggising, ang lahat iisipin
Kung saan may patanim, may masarap na pagkain.
Patay na ang ilang kakain, at tuyo na nga po ang mga patanim
Ang mga tainga niyo po kasi ay nakapinid
At ang tunay na sa amin ay pilit niyo pang sinisimot at kinikimkim.

Halina, halina, mga kaliyag kong anak-pawis at anak-dalita
Tayo’y magsipag-unat-unat, at babawiin natin ang lahat sa kanila —
Sila na basag ang mga pula.

Magpapanibago tayo ng landas, para sa araw ng bukas
At ating batikusin
Mga talak nilang pagpaging alimasag
Gamit natin ang ating lakas.

Magtanim ay ‘di biro
Hindi muna kami yuyuko
Hindi muna kami uupo, bagkus kami ay tatayo
Hangga’t patuloy ninyong isinusulat sa tubig ang mga retorika ninyong pagtulong,
Hangga’t ang mga buwaya sa salapi ay ‘di pa nakukulong,
Hangga’t ang mga pangako ninyong lupang ipapamahagi ay mananatili na lamang na isang bulong
Babawiin namin ang hustisya
Ang sektor ng pagsasaka ay patuloy na magpupunyagi sa pagsulong.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s