Aurora

Mataas na ang haring araw
Sobrang nakakapaso ang init!
Tila masususog na ang aking talampakan,

Tagaktak pa ang pawis.
Tumingala ako kay Inay
Ganoon din siya,
Ngunit may balabal siya.

Hindi ko alam kung anong oras na
Wala naman kaming relo
Wala namang orasan sa paligid
Araw-araw ay tsambahan.

Tingin ko ay pa-tanghalian na
Ano kaya ang kakainin namin ngayon?
Monay na naman ba, o biskwit?
Sana may Chicken Joy!
O spaghetti!
Yumm.

Ano kayang lasa
Kapag walang amag?
Sobrang kumakalam na tuloy ang tiyan ko.

Sana may mga galanteng mayayaman
Sa mga jeep na aming papasukan
Gagalingan ko naman ang pagpupunas!

Handa na kagabi pa
Ang tuwalya,
At maliit na balde ng tubig
Na ipang-lilinis ko.

“Psst. Tara na Jin-Jin.
Bilisan mo!!”
Kumaripas ako
Papunta kay Inay
Hinawakan ko ang kamay niya.
Nakatingin na naman siya sa malayo
Laging may iniisip
Laging may inaantay
Laging may hinahanap.

May mamang bumangga kay Inay
“Aba’y kay gago nito ah!”
“Tang ina,haharang-harang ka pa ee,”
Ang narinig kong sabi ng mama
Habang papalayo siya
Patungo sa ksbilang parte ng kalsada.

Nakakahilo ang bilis ng mga sasakyan
Nakakaranta pa rin
Kahit limang taon na namin itong ginagawa
Nina Inay, Jepoy, Kathleen, Biboy at Carmen

Nasa Katipunan sina Kathleen at Carmen
Si Jepoy nasa Quiapo
Si Biboy kasama ang kanyang amo.

Sa wakas pumula na ang ilaw!
Magkano kaya ang maipambibili naming
Pagkain ngayong araw?

Tumigil ang isang jeep
Sa harap namin.

Hinila ni Inay ang kamay ko
Hawak ko sa kanan
Ang balde at tuwalya ko.

Umakyat kami sa jeep
Pumasok ako sa loob
Umupo si Inay sadulo
Tulad ng dating gawi.

Ayun!
May mukhang mayaman!
Agad kong inulublob
Ang tuwalya sa tubig
At maingat na pinunasan
Ang makintab
Na sapatos niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s