Gusto Din Pala Kita

“Fred, tapos na tayo.”
Ang sakit pala talaga.
Sa apat na salitang ‘yun,
Nawasak ang limang taon namin
Na nagsimula din sa apat na salita:
“Gusto din pala kita.”
Ang tamis, kakaiba pala talaga.
Lalo na kung mahal mo din siya
At halos sobrang napaka-imposible naman
Na mamahalin ka din niya.
Akala ko hanggang magkaibigan lang
Hindi kasi ako ang tipo mo,
Base sa mga nakarelasyon mo
Pero alam mo
Na hanga ako sa iyo.
Isang maingay na gabi,
Kumatok ka sa pinto namin
Lumingon ka muna sa paligid
Tinitigan mo ako, at sinabi,
“Gusto din pala kita.”
Hayy.
Pag-ibig.
Mapait ang unang dalawang taon natin…
Mahal natin ang isa’t-isa,
Dun tayo sigurado.
Pero sa mga tao sa paligid,
Dun tayo hindi tiyak.
Kahit naman itago nila
Hayag pa rin sa tingin nila
Ang panghihinayang,
Gulat,
Kaba.
Pero sabi mo,
“Hayaan mo na sila
Nagmamahalan tayo
‘Yun ang mahalaga.”
Limang masayang taon!
Naisip ko na
Tama ka nga
Ito ang mahalaga:
Mahal mo ako
At mahal kita.
Pero dumating din ang punto
Na kahit tayo,
Di na din sigurado.
Ramdam kita.
Hayag sa mga kilos mo
Na malapit ka nang pumalya.
Isang linggo’ng nagdaan
Na di mo ako kinausap
Mahal pa din kita
Pero ano pa bang magagawa ko?
Kung ayaw mo na talaga?
Lumitaw din sa wakas
Ang pangalan mo sa cellphone ko.
“Hello? Hello? Fred. Ako ito,” ang sabi mo.
“Joaquin. Kumusta?”
“…”
“Joaquin?”
“Fred…”
Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang pakikinig.

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. Wow, I love this one.. ❤

    Like

    1. aww. thank you for reading. 🙂

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s