Ligo na ü, Lapit na me by Eros Atalia (Isang Book Review)

on

 

Ito ang unang librong nabasa ko na isinulat ni G. Eros Atalia. Matagal ko ng gustong makabasa ng kahit anong akda niya, kaya naman nung nalaman ko na mayroon palang kopya ng librong Ligo na ü, Lapit na me sa pamantasan, ay agad ko’ng kinuha ang pagkakataon upang hiramin ito. Dumalo ako sa isang talk niya minsan sa aming pamantasan, kasama ang aking kaibigan dahil marami-rami na rin akong naririnig/ nababasa tungkol sa kanya at sa mga akda niya. Tungkol sa mapagpalayang pagsulat ang paksa ng talk, at gusto ko ang mga sinabi niyang mga ideya (simple ngunit may lalim), pati na rin ang nakatutuwang personalidad niya na mabilis na nakakonekta sa mga milenyal niyang tagakinig. May book signing pa pagkatapos ng event ngunit wala kaming bitbit na libro niya. Ngunit may dala kami noong ilang mga libro: isang Philosophy textbook at isang kopya ng akda ni Dante na Inferno. Dahil nainggit kami ng aking kaibigan sa mga nagpapapirma, ay sinubukan naming ipapirma ang dalawang librong meron kami. Pinarmahan naman niya!

Pagkatapos ng event na iyon ay nag-iipon na ako ng pambili ng kahit anong libro niya. Hindi pa ko masyadong nakakaipon kaya ayun, napunta ako sa Main Library ng UP at nahanap ang librong ito.

Madali lang basahin ang Ligo na ü, Lapit na me. Siguro pagkatapos ng 4 o 5 oras ng tuloy-tuloy na pagbabasa ay matatapos mo na rin itong basahin. Simple lang kasi ang paggamit ng wika at ika nga niya, pang-masa talaga. Inilahad niya sa foreword niya na gusto niyang mabasa ng maraming tao sa iba’t- estado ng lipunan ang mga akda niya. Sa tingin ko naman ay abot naman ito ng masa. Ngunit mas tatangkilikin siguro ito ng mga kabataan, partikular na ang mga nag-aaral sa kolehiyo. Kung mga nasa 1-14 pa lang ang edad mo, baka di sa’yo ito ipabasa ng magulang mo, pero kung di ka naman konserbatibo, go lang! Sex at pag-ibig (?) ang pangunahing mga tema nito.

Basahin mo at malalaman mo kung bakit may (?) ang pag-ibig. Baka may mga malaman ka ring mga bagay na hindi mo pa nalalaman. Mahilig kasi siyang magsingit na kung anu-anong komento.

Basahin mo kung naghahanap ka lang ng libangan at pampalipas-oras dahil wala naman itong masyadong intelektwal na laman. ‘Yun naman ang goal ng akdang ito – ang magbigay aliw.

Personal na marka: 2.5/5

Siguro kung binasa ko ang unang libro bago ito ay baka nagustuhan ko pa ito. Medyo nagsisisi ako na di ko muna iyon binasa, pero marahil ayos lang naman dahil hindi naman ako masyadong naligaw sa pagbabasa. Naligaw lang ako sa dami ng komento niya na inaasahan kong mag-uugnay sa huli. Sa kabuuan ay OK lang ang akdang ito. Mapapatawa ka paminsan-minsan, mapapaisip ka paminsan-minsan. Palagay ko lang naman ito. Basahin mo din.  Magkakaiba naman ng palagay ang tao.

 

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. Nabasa ko rin itong librong ito ni Eros. Hindi ko nagustuhan yung mga “singit” nyang komento na walang direktang kinalaman sa nobela.

    Sana mabasa mo rin yung libro ni Eros na “Wag Lang Di Makaraos…” Yun ang dahilan kung bakit na-engganyo akong magbasa ng iba pang libro nya. 🙂

    Like

    1. Angel says:

      Nirecommend din po sa ‘kin ‘yan ng friend ko. Baka basahin ko siya next this month. 🙂 Bukod sa Wag Lang Di Makaraos, ano pa pong book niya yung ma-rerecommend mo?

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s