Mag-isa na naman

 

Masayang lumalangoy ang aking mga tainga
sa walang katapusang hagikhikan
ng isang barkada diyan sa may tindahan.
Bawat baril ng biro’y sa aki’y
nagpapangiti
kahit na di hamak na
tagakinig,
tagasubaybay
sa inyong karagatan ng kasiyahan.
Maya-maya pa’y nagsi-alisan na
ang bawat katawan
bawat boses
na minsan na namang dumaan
sa aking gunitang
noo’y nagiisa.

Muling sumimangot tuloy
ang aking mga labi.
Wari ko’ng muli ang kalungkutan ng pag-iisa
na tila ba’y laging may kulang,
laging may nawawala.
Nasaan ka na nga ba?
Pag-ibig, pag-ibig,
nasaan ka na?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s