The Great Phone Purge I

Kanina lang, hinahalungkat ko ‘yung phone ko para magbura ng kung anu-anong files dahil sobrang dami na kasi. Sobrang nakaka-overwhelm yung dami. Sobrang nakaka-agit. Kailangan kong magbura kahit medyo masakit, tapos yung mga kailangan ko pang burahin ay yung mga files na sobrang laki ng MB, ang daming kinukuhang space. Yun na pa yung mga files na medyong napamahal sa’kin kasi well, madaming laman. Pero, grabe, ang sarap pala sa pakiramdam ‘pag nagde-delete ka. Parang tinae ko lang ‘yung sobrang dumi na kinikimkim-kimkim ko nang pitong oras dahil ayaw kong dumumi sa pampublikong lugar, dahil masyado akong ma-pride. Charot.  Tinira ko lang yung mga nakaw pics/ screenshots ng pamilya ko at mga kaibigan ko, pati na rin yung mga lol conversations namin sa chat. Nagtira din ako ng mga timeless quotes about humanity, MBTI, equality etc.,etc. Pati na yung mga funny, and cute pics/videos ng cats at kung anu-ano pang kahayupan, tinira ko na rin. At siyempre yung EBooks (fiction/nonfiction), my babies of escapism.

Ito pala yung ilan sa mga binura ko, para at least, in this way, maalala ko sila, dahil medyo na-aattach naman ako sa kanila kahit papano. ‘Di ko na lang iaattach yung files dahil sobrang nakakahiya, at saka baka mabuking ako. Lol.

A. Screenshots / Pictures / Videos

  1. Screenshots ng mga kalandian – texts, chats, at birthday greetings ng mga naging crush ko, mga Facebook status at posts nila na nagpa-inspire naman sa ‘kin kahit papa’no. Idadagdag ko na rin pala dito yung mga cheesy romantic quotes na ini-screenshot ko nung mga 12 years old pa ko. Lol. Ganun na katanda yung memory card ko. At ganun din ako katopakin nun.
  2. ‘Philosophical’ screenshots – eto yung mga screenshots na nagdalawang-isip pa ko burahin. In the end, mga 2 or 3 lang ata yung mga nabura ko, dahil na realize ko lang na napaka-fallacious pala ng mga quotations na yun. At na-realize ko din na there’s nothing philosophical in it all. Mga Facebook/Reddit/Tumblr posts yun na nakita ko lang randomly sa feed. One or 2 years ago na ‘yun, at one or two years ago, pretentious pa ‘ko, at sobrang bata mag-isip kaya, well.
  3. Beastmode Screenshots – eto yung mga rant post sa kasagsagan ng campaign at sa Pilipinas, in general i.e laglag bala, bigas hindi bala (!), haggard campaign season, Daniel, Sandro, Purisima, P-Noy, rape jokes, Napoles, scam, money laundering, K-12, neoliberalism, Lumads, summary executions, Marcos, Davao Death Squad, Never again, etc, etc.. Pati na rin pala sa mundo i.e Zika, Trump, Paris attacks, Brussels attacks, Syria, China (!), North Korea, terrorism, ISIS, terrorism, ISIS, terrorism, ISIS, terrorism. ‘Di ko binura lahat, dahil sobrang memorable talaga, at baka kailanganin ko in case na makalimutan ko naman yung mga nangyari. Parang farce na lang yung history repeats itself.
  4. Chords/ Lyrics Screenshots – ‘eto yung mga chords/lyrics ng mga kanta na minsan ng naging mainstream, pero na-realize ko na di talaga ko pang-mainstream na tao, dahil hindi ko talaga ma-appreciate yung karamihan sa mga mainstream songs, although maganda naman yung iba. Kinailangan ko lang talaga hanapin yung ibang mainstream songs, para hindi mukhang nagmi-miss out ako sa trends. Oh diba, sobrang pretentious.
  5. Acads Screenshots – kinuha nito yung karamihan sa space ng gallery ko. Ganun ata ako ka-GC. Enough said. Burado na siya lahat. Tapos na, please, ayoko na siyang balikan.
  6. Mga Walang Kwentang Quotes – ‘yung mga quotes na “Time is gold” lang yung datingan. Sobrang cliched na at paulit-ulit ko nang naririnig at di ko alam kung anong sumagi sa isip ko at naisipan ko pa ‘yun i-save. Pero gaya ng sinasabi ko kanina, topakin pa ko nun, so, well. Topakin pa rin naman ako ngayon, pero mas topakin talaga dati.
  7. Stolen Pics – stolen pics ng mga importanteng tao sa buhay ko. What. Lol. Siyempre kaunti lang yung binura ko, kasi ‘pag nagbubura ko ng pics nila parang binubura ko na sila sa buhay ko. Ayoko naman yun kasi importante nga kasi sila. Yung mga haggard at stressed pics binura ko na, dahil gusto ko mukha silang candidly fresh sa memory ko hahaha.

So much for that! ‘Di ko na maalala yung ibang bagay na binura ko. Siguro di naman sila gunun kaimportante. Or not. Ia-update ko na lang ‘to in case na may maalala akong importanteng bagay na nakalimutan kong isulat.

Advertisements

3 thoughts on “The Great Phone Purge I

Add yours

  1. ang hirap magbura sa memory card lalo na kung sobrang luma na ng memory card. Example, kapag nagbura ka ng mga stolen pics ng kaibigan mo, feeling mo di ka na makakakuha ng ganun na stolen hahaha, anyway congrats, nagawa mo nang magfilter ng mga memories. 🙂 Sana ako rin, kasi ako, kapag memory full na, sinesave ko na lahat sa isang memory card o kaya usb tapos bibili nalang ulit akong bago. Masyado kasi akong sentimental pagdating sa mga old memories.

    Liked by 1 person

    1. May mga ganung feels talaga eh hahaha. At tsaka yung mga pics na yun, pwede mo pa gamiting pang-blackmail. Lol. Medyo sentimental din naman ako, pero ewan, ang sarap lang talaga sa pakiramdam ng pag-filter ng memories. May kakilala rin ako na tulad mo, bumibili rin ng bagong usb/card kapag napuno na yung isa. Grabe, ang amazing niyo maghold on sa mga bagay. 😮

      Liked by 1 person

      1. gusto ko na ring magfilter lalo na, ng mga pictures na may bad memories. lol. haha pero di ko magawa, nanghihinayang talaga ako sa moments, feeling ko lagi, nothing will happen twice. hahaha, masaya rin kasi magreminisce minsan, yung imbis na seryoso tapo madrama dapat yung setting, matatawa ka dahil yung mga tinitingnan mo, mga nakakatawa talaga, hindi lang nakakatuwa. Lalo na kapag videos yung nakasave. Mas feel panoorin ulit after 1234567890 years hahaha

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: