sa ilalim ng payong

bakit ako naririto?
inanyaya ako
ng makulimlim na mga ulap —
upang lumabas,
upang sumipol-sipol,
damhin ang hangin,
hulihin ang mga
nahuhulog
at nagsisiliparan
na mga dahon
mula sa mga malulungkot
na puno,
at humuni ng mas
malulungkot pang mga awitin
o di kaya’y payak na magpakabasa

ngunit sa di kalayuan,
sa ilalim ng punong
madalas ko’ng pinupuntahan
ay may isang babae
at isang lalaki
na magiliw
na pinagsasalo
ang kanilang
mga maliliit na bisig

o kay lungkot ng hapon
ngunit bakit
ang mga puso nyo’y
kay giliw

sinara ko na
ang payong
na pinagtataguan ko
at hinayaan
ang bawat
pagkotong
ng tubig sa aking ulo

hindi ito ang aking
sadya kaya
agad akong tumungo
sa loob
ng aking kublihan
upang umiyak
kasabay ng
pagpatak ng
ulan

Advertisements

2 thoughts on “sa ilalim ng payong

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: