Pag-ibig > Muhi

Umiiyak ang langit
na tila ba nakikidalamhati
sa singkwentang buhay na ninakaw
dahil sa inis.
Nakalulungkot na wala akong
ibang magawa kundi ang magdasal,
sumulat ng mga tula,
magbahagi ng komentaryo,
mga opinyon,
mga litrato,
na ‘di galing sa akin,
mga suntok sa buwan na nais
kong kahit papaano’y lumipad sana
sa mga bitwin
sa bahaghari
sa kalangitan
o sa kung saan mang matiwasay na lugar
kayo ngayon naroroon
kasama ang ilan pang kaluluwang maririkit
na walang ibang hinangad kundi ang magmahal.
Magmahal
nang walang limitasyon
walang harang
walang kontra
walang mga baril at patalim,
mga salitang bumabaon nang malalim,
na humahabol sa inyo
saan man kayo magpunta.
Magmahal
bilang isang ordinaryong mamamayan
na nagtatamasa ng mga karapatan
ng tulad ng sa kanila.
Magmahal
at maranasan ang mga spiritwal
na ritwal ng habambuhay na pagsasama
kapiling ang kabiyak na pinili.
Magmahal
at bukas na maipagmamalaki
ang bawat halik, bawat yakap,
bawat berso ng pagsuyo,
bawat musika ng paggiliw.

Magmahal
at magwagi.
Magwawagi pa rin ang pag-ibig
higit sa suklam at muhi na
nagmula lamang sa huwad na pagkapantiko
at kawalang-malay.
Katulad ninyo,
pangakong
tanging pag-ibig lamang ang aming
kakatigan hanggang sa huli.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s