Good Pinoy Music #1: Walang Hanggan – Quest

“Ang sabi mo walang hanggan / Ba’t nandito tayo, sa dulo?”
“‘Wag ka munang tumalikod / Bumalik ka muna dito / Padampi kahit anino / Ayokong mag-isa dito”

Kanina lang, habang nagsasound-trip ako sa YouTube ay napadpad ako sa nawawalang kayamanan na ‘to. Pakinggan niyo, please. Sobrang nakakapangilabot. Tumaas balahibo ko sa boses nung kumakanta. Parang gusto ko na lang siya yakapin dahil yung boses niya parang babasag na sa sobrang lungkot. Ang astig pa ng cinematography ng music video.Soundtrack daw ‘to ng pelikula  e.Sana mapanood ko yun balang-araw sa kung saan man. ‘Eto pala yung mga liriko ng kanta. 🙂 Lyrics pa lang, tula na talaga.
Walang Hanggan – Quest

Gulong-gulo ang puso
Saan ba ‘to patungo?
‘Di ko alam
‘Di ko alam

Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan?
‘Di ko alam
‘Di ko alam

Nu’ng ika’y nilalamig
Ako’y ‘yong init
Kapag takot sa bukas
Ako’ng unang sisilip

Ginawa ko na’ng lahat
Hindi pa rin sapat

Kasi ika’y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana

Nanlalamig ‘yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana

Titiisin ko na kahit paulit-ulit
Tapos pipilitin ko na ‘di maulit
Ang masulyapan mo ‘yung dulo
Akala ko walang hanggan pero may dulo

Bawat segundo sa’king puso iuukit
Lahat ng alaala aking iguguhit
Para makalimutan mo’ng may dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Pero ‘eto tayo, sa dulo

Ke’lan ka ba napaso
Nanlalamig na ang ‘yong braso
Bakit ganyan?
Bakit ganyan?

Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit
Sa’n galing ang galit?
Meron bang nang-aakit?

Kailangan ko lang malinawan
Bakit ganyan?
Bakit ganyan?

Handang panindigan lahat ng ating plano
Sigurado, kahit ‘di kabisado
Gagawin ko ang lahat
Walang paki kung ‘di sapat

Kasi ika’y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana

Nanlalamig ‘yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana

Iindahin ko ang sakit na gumuguhit
Ngumingiti sa likod ng luhang umuunit
Baka masulyapan mo ‘yung dulo
Kasi sabi mo walang hanggan
ba’t merong dulo?

Ibibigay ko ang lahat paulit-ulit
Bawat pagkakataon ay aking isusulit
Basta matalikuran mo ‘yung dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Ba’t nandito tayo sa dulo?

Sa dulo?

‘Wag ka munang tumalikod
Bumalik ka muna dito
Padampi kahit anino
Ayokong mag-isa dito

Wala na bang bisa aking dalangin?
Tinataboy na ba ng langit
Nakikiusap na lang sa hangin
Ngayon wala ka na sa akin

Bakit ba biglang meron tayong dulo?
Pangako mo walang hanggan,
Bakit nand’yan ka sa dulo?

Pwede bang kalimutan mo’ng may dulo?
Handa ‘ko sa walang hanggan,
Pangako mo walang hanggan,
Akala ko walang hanggan,
Pero ‘eto tayo sa dulo

Kung ika’y mawawala sa aking piling
Dinggin mo ang aking bilin
Lingon ka lang paminsan-minsan
Dito lang ako, ‘di ako lilisan
Sa ating dulo, ‘di ako lilisan?

Advertisements

8 Comments Add yours

  1. aysabaw says:

    Narinig ko din yan kanina. Soundtrip via youtube din ako eh haha

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      ay talaga? 😮 ganda no? nakakaiyak huhu

      Liked by 1 person

      1. aysabaw says:

        Oo ang ganda hihihihi

        Liked by 1 person

    1. Angel says:

      feeels :((( ❤

      Like

  2. A.N.L says:

    Napanood ko na yun film na yan. Try mo din yun ” look along the way” by gabe piolo ☺☺

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      Ay oh? Kainggit po huhu. Maganda ba? =)) Sige check ko po siya hihi.

      Like

      1. A.N.L says:

        Yeah, for me somehow maganda tho, pede pa siya mapaganda lalo, tas ano yun nga ang lalim ng hugot nun film na yun. “Ang kwento nating dalawa” oh di ba? Taray ng title haha, title pa lang may dami na hugot.

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s