i. tumutulak daw ako

kanina pa
tila may sumusunod
na mga mata
sa aking bawat yapak
na tila ba anino
kanina pa
nababalisa
sa gitna ng kadiliman
kanina pa
nagtatanong:
parang may ‘di yata tama?
hinithit ko
ang dala-dalang yosi
buga
inulit-ulit ko ang siklo
nag-aantay
na parang salamangkang
maglalaho bigla
ang mga agam-agam
napatigil ako
sa aking kinatatayuan
habang pinagmamasdan
ang pagtulo
ng aking sariling dugo
mula sa kutsilyong
itinulak ng kung sino
nakuha ko pang lumingon
sa tatlong mamang may suot
na itim na saplot
itinutok niya muna
sa aking kaliwang binti
ang baril na hawak
tumama ang aking ulo
sa bakal
kasabay ng kanyang pagputok
tumingala ako
sa kanila
sinunod nila
ang aking dalawang kamay
kanan na binti
limang putok sa dibdib
k a d i l i m a n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s