sumakay ako sa jeepney…

WARNING: Semi-rant post
Tuwing sumasakay ako ng jeep, parang lagi na lang ako nakakaencounter ng mga namamalimos of all sorts. Minsan, nandyan yung mga ‘naglilinis’ ng sapatos (pero di talaga linis, mapahid lang talaga), tapos manghihingi afterwards ng bayad after nilang ipahid yung maliliit na clothing. Tapos nandyan din yung mga may dala-dalang medical records, death certificates, nakakaawang pictures, at kung anu-ano pa na makapagpapatunay na may kamag-anak silang nasa ospital o di kaya namatayan. Noong una kong na-encounter yung ganung way ng pamamalimos, nasa bus ako, biyaheng Cubao, galing Philcoa. May dala-dalang medical records yung isang babae tas may pictures ng baby niya na may swollen things sa mukha habang nakatayo siya sa gitna ng bus at ‘shine-share’ yung mga adversities niya. Sobrang naawa talaga ako nun, kaya syempre nagdonate ako. Nag-rhetoric pa nga siya bago siya namalimos. Kabisado ko na yung rhetoric, kasi after ng incident na yun, may mga na-encounter na din ako na gayang-gaya ng ‘way’ niya ng pamamalimos. “Ah, magandang umaga po sa inyong lahat, ma’am, sir. Siguro nagtataka kayo kung bakit nakatayo ako dito sa inyong harapan ma’am, sir. Sana ‘wag naman kayo mailang sa ‘kin ma’am,sir, dahil di naman po masama ang intensiyon ko ma’am,sir, ‘di tulad ng iba dyan ma’am, sir. Sobrang nangangailangan lang po kasi kami ma’am, sir kaya napilitan po kaming manghingi dito sa harap niyo ma’am, sir. Yung lolo/tito/anak/asawa ko po kasi ma’am, sir, nasa ospital, ma’am sir. May *insert malalang sakit* siya ma’am, sir at malala na po ang kondisyon niya, ma’am, sir. Di na namin siya kayang pagamutin ma’am, sir kasi wala na po kaming perang pambayad ma’am, sir, kaya naman nakatayo ako ngayon sa inyong harapan ma’am sir, para sana po manghingi ng tulong ma’am, sir. Sana ‘di naman po ito labag sa inyong kalooban ma’am, sir. Maganda naman po ang intensiyon namin ma’am, sir. Pasensya na po dahil nangangailangan lang naman po kami ma’am, sir. Para lang po sa lolo/tito/anak/asawa ko po, ma’am, sir. Maraming, maraming salamat po, ma’am, sir. Ingat po kayo sa biyahe, at nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon!” After nun, mamimigay sila ng white envelopes para lagyan namin.
Nung pangalawang ulit ko na na-encounter yung mga ganyang type ng pamamalimos, naawa ulit ako. Ewan ko ba kung di pa ko suspicious nun. ‘Edi siyempre, bigay, bigay. Sobrang nakakaawa kasi talaga yung mga pictures na pinapakita nila tas yung way nila ng pagsasalita sobrang nakakaiyak. Naka-encounter ulit ako ng ganung set-up ng pamamalimos, pa-SM North naman ako, tas ayun na. Dun na ko nagsuspestya. Parang di na genuine kasi paulit-ulit na. Madalas ko na silang nae-encounter ‘pag galing akong Cubao, papuntang Marikina, sa jeep. Pero usually nasa driver’s seat kasi ako, kaya di ako nahihingian. Dun na ko nakakuha ng sindikato vibes.

Nae-encounter ko din yung mga ‘Badjao.’ ‘Di ko sure kung Badjao nga sila or gimmick na naman ‘yun, pero baka may katotohanan naman dun, kasi nakadamit Badjao sila, unless, costume lang nila yun. Usually may dala-dala silang tambol AT 1-3 years old na bata. Ganito yung set-up usually, tatlo silang tao, usually, 2 adults, isang sanggol: may 20 or 30 something na lalaki/babae na uupo sa dulo ng jeep (sa may istribo) tapos siya yung magtatambol, may 20 or 30 something na babae na may bitbit-bitbit na baby na mamimigay ng sobre sa loob. Kapag nakakakita ako ng ganitong set-up, sobrang naiinis ako sa mga magulang nung mga bata, pati na dun sa mga nagdadala sa kanila. For awa effect ba ‘yun? Para mapilitan kaming magbigay ng donasyon out of awa, ganun? O wala lang magbabantay sa bata kaya kailangan nilang bitbitin sa kung saan man lupalop sila mapunta? Kumukulo talaga dugo ko ‘pag nakikita ko yung ganun, kasi nakakaawa yung mga bata. Kung di puro alikabok, at putik yung katawan at mukha, lawlaw na lawlaw naman yung damit.Tapos yung iba, pawisan na at tumutulo pa yung uhog sa ilong, di man lang mapunasan ng nanay nila o ng tita nila, o kung sino mang kasama nilang nanglilimos. Minsan pa, ang pangit ng pagkakabitbit sa mga bata, parang maghihingalo na sakal yung hawak nila. Kapag umaandar pa yung jeep, hala, lakad pa rin across the jeep habang bitbit yung baby, parang hindi sila natatakot na maumpog yung baby sa bakal anytime. Ganito na ba kahirap ang Pilipinas? Ganito na ba kahirap makahanap ng trabaho dito na they just opt to beg? O ganoon lang sila katamad maghanap ng trabaho kaya iaasa na lang nila sa ibang tao sa pamamagitan ng pamamalimos? Sana naman gumawa sila ng ibang magandang diskarte na di nage-exploit sa resources ng ibang tao. Yung ibang tao diyan, nagtitiyaga kahit di masyadong malaki yung kinikita nila sa mga legal na trabaho nila, pero sila aasa na lang? Ang unfair at nakakainis. Nakakainis kasi mostly sa kanila, honestly, tamad lang at sinukuan na ang paghahanap ng legal at disenteng trabaho. Naiinis din ako sa government dahil hindi nila nahahandle effectively yung mga namamalimos dito sa EDSA. Di ko lang alam sa ibang lugar. Akala ko ba bawal na yung namamalimos sa Pilipinas? Di namin ramdam na bawal.

Yung mga binibigyan ko lang ng limos, yung mga matatanda na talaga ee. Tas usually, pagkain yung binibigay ko sa kanila. Yun talaga yung naaawa pa ko, kasi naiinis ako sa mga anak nila o sa mga pamangkin nila na di man lang sila kinupkop. Pero minsa, may bad vibes din ako sa kanila ee, kasi what if, simula pa talaga nung bata-bata pa sila, namamalimos na sila? Tas nung nagkaedad na sila, ayun, namamalimos pa rin. Ewan ko na. Ang hirap na magtiwala. Puso’t intuition na lang talaga kung gusto mong bigyan ng limos ang isang tao. Madalas kasi tama ang vibes ko sa mga tao ee. Tumigil na talaga ako sa pagbibigay ng limos altogether dahil sa isang incident na nawitness ko, except dun sa nakikita kong matanda sa may tapat ng Isettan sa Cubao from time to time. Binibigyan ko siya ng mga baon kong tinapay na di ko nakakain. Mahirap na kasi magbigay na pera lalo na kung di ko naman alam kung saan napupunta yung mga binibigay ko, tsaka di ko pa pera yung binibigay ko. Pera yun talaga nila mama. Mamaya yung naiipon palang pera ng mga namamalimos napupunta lang pala sa sindikato lord at di naman pala talaga nila nagagamit na pangkain.
Di ko pa pala nasusulat kung ano talaga point ko kung bakit ako biglang napasulat ng ganto. Dahil kasi ito sa isang event na nawitness ko months ago, tulad ng nabanggit ko earlier. Ito talaga yung dahilan kung bakit tinigil ko na yung pagbibigay ng limos except nga dun sa matanda sa Isettan. February ata ito nangyari? Nakasakay ako ng jeep galing Marikina papuntang Cubao, nasa bandang Gateway na ko. As usual, traffic. Nasa dulo ako ng jeep. Gustong gusto ko dun sa dulo pumewsto o kaya sa driver’s seat kasi madami akong na-oobserve na tao. Tapos ‘eto, may napansin ako batang pulubi na nakasuot ng oversized t-shirt, tapos puro alikabok yung mukha niya. Kakababa niya lang sa jeep na malapit sa amin. May bitbit-bitbit siya na Fudgee Bar. Inassume ko na binigay yun sa kanya ng isang pasahero na nilimusan niya. Ngumiti pa ko nun. Iniisip ko pa, “Wow, ang bait naman ng nagbigay nun sa kanya.” Inaabangan kong buksan niya yun at kainin eh. Sinundan ko siya ng tingin, tapos, bes, hala, nagulat ako, tinapon niya lang sa kalsada yung Fudgee Bar na binigay sa kanya. Tapos kumaripas na siya ng takbo. Umandar na yung jeep na sinasakyan ko. Ako naman tulala at badtrip pa rin dun sa namalimos.Kung ayaw naman niya dun sa pagkain, pwede naman niya yung yung i-share sa kaibigan niya diba, o sa kapatid niya? Napakalaking turning point ng event na yun sa ‘kin. Alam ko naman na ‘di ko dapat i-generalize yung mga namamalimos dahil lang sa ginawa ng batang ‘yun. Malay ko naman, ‘di ba? Baka yung iba napapakinabangan naman talaga yung kahit pagkain na binibigay sa kanila. Di ko talaga matanto kung bakit niya yun nagawang matapon. Yun naman dapat talaga yung point ng pamamalimos nila ‘di ba? To eat and survive. So ano na lang point ng batang ‘yun? Tas eto pa, yung iba pang namamalimos, kapag hindi mo binigayan, susungitan ka, iirapan ka kapag ‘di mo pinansin o ‘pag di mo binigyan. Nag-iba talaga tingin ko sa kanila. Dati, kapag may namamalimos sa jeep, proud pa ko na ngabibigay ko kasi feeling ko ang bait bait ko. Dati, naiinis pa ko sa ibang pasahero na di man lang pinapansin yung mga namamalimos pati yung sobre na di nila mahawakan. But now, I clearly see where they are coming from. Tbh, mostly kasi sa mga namamalimos di deserve yung mga binibigay sa kanila, kasi di din naman nila nagagamit para bumili ng pagkain, damit, gatas, gamot. Nakakalungkot kung isisipin kung san talaga napupunta yung mga nalilimos nila.
Kung akin naman siguro yung pera na baon ko, magbibigay pa rin ako ng kahit P5. At least, di masyadong kawalan. E kaso kasi, hindi akin ee. Pera ni mama yun kaya mas maingat ako sa pagprotekta sa pinaghihirapan niya. Sana lang talaga paigtingin pa ng gobyerno yung mga batas nila patungkol sa mga namamalimos, kasi gawa sila nang gawa ng batas, hindi naman nasusunod, dahil mahina pa yung pagpapakalat ng mga kautusan kung anong dapat gawin sa mga namamalimos dito sa EDSA. Yung mga bata, sana ilagay nila sa DSWD o sa kahit saan pang lugar na ligtas sila at di sila pinagkakakitaan.

Advertisements

24 Comments Add yours

  1. Entitlement ang tawag diyan. Napagkamalian yung Beatitude na “Blessed are the poor…”

    Liked by 1 person

  2. punjetry says:

    Hmm, nakaka-encounter din ako nito pero more of galing ata sa organization ng some sort. Hiningi ko address ng organization nila sabi ko personal ko ibibigay ang donation ko.

    Para malaman ko kung totoo talaga.

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      musta po yun? legit daw sila? 😮

      Like

      1. punjetry says:

        Hindi ko pinuntahan HAHA

        Liked by 1 person

      2. Angel says:

        hahaha tapos kulto daw pala yun oh haha

        Liked by 1 person

      3. punjetry says:

        Kailangan ng suyod haha charing

        Liked by 1 person

      4. Angel says:

        hahaha ano ba ate anje hahaha

        Like

      5. punjetry says:

        Mas matanda ba ako sayo? Lagyan kita ng kuto dyan eh haha

        Liked by 1 person

      6. Angel says:

        hahaha 30 years kaya yung tanda mo sakin 😛 haha

        Liked by 1 person

      7. punjetry says:

        Nakikiramay po ako.

        Liked by 1 person

  3. Bawal talaga iyan pero inutil naman ang gobyerno, meron pang anti-vagrancy law pero wala naming kuwenta.

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      trueeee. ang wa-epek po talaga ng batas na yun :/

      Like

  4. Roti says:

    Nakaranas ako dito sa Cavite yung. May umiiyak pa tapos sabi critical daw ang buhay at ipapalabas pa sa TV Patrol daw. Pero wala naman. Hanggang sa naencouter ko sila ng 3 times and ganon pa din ang ginawa nila. Ang nakakainis pa nung walang nagbigay sakanila sabi “Sana maaksidente kayo” so yun

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      grabe ang harsh naman nung ‘sana makaaksidente kayo’ 😮

      Liked by 1 person

      1. Roti says:

        Oo. Thrice ko na yung na encounter sa jeep eh. Ma ala mmk ang chenes niya samin kasi with tears pa. Ayun mukhang hnd naman legit.

        Liked by 1 person

      2. Angel says:

        hahaha apiiir may mga nakikita din po akong ganyan haha ang galing siguro ng mga nagtetrain sa kanila. shems. tas ang gagaling pa mag-rhetoric. XD nakakaamaze na nakaainis na ewan haha

        Liked by 1 person

      3. Roti says:

        Yeah na nakakainis. Hahahaha

        Liked by 1 person

  5. Roti says:

    Thanks God at maingat naman mag drive si manong driver non hahaha

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      yay buti safe po kayo =)))

      Liked by 1 person

  6. aubu22 says:

    truth!!nakakainis pa yung binigyan mo ngayon makakasalubong or makikita mo ulit tapos same ng litanya, hahay hahaha

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      hahaha may ganun ding akong nakita! 4/5 months ago ko siya unang nakita, tas nakita ko ulit siya, 2 weeks ago. ganun pa rin sinasabi niya, di pa daw nabuburol tatay niya kasi walang pera

      Like

  7. vanaid says:

    Nako! Kumukulo na tuloy yung dugo ko pag nakakaalala ako ng mga ganyan. Minsan pa ayaw nila pag pagkain ang ibibigay sa kanila, kailangan daw pera. Aba’y magaling! Haha.

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      choosy pa po no? huhu. Yun nga po yung nakakasawa ee. 😦

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s