ii. tumutulak daw ako

pero hindi.
ayun siya
nakahiga at naliligo sa sariling dugo
ang kaawa-awa kong katawan
kanina’y payosi-yosi lang ako
at pumepetiks
sabi na nga ba’t
may masamang mangyayari
kanino ba ‘ko may atraso?
kay Marcelo,
na asawa ng kinakasama ko na si Carina?
kay Aling Lina,
na dalawang taon ko nang tinataguan
dahil ‘di ko mabaya-bayaran
ang dyes mil kong utang?
kay Angelo,
na kaibigan ko ngunit dahil sa
isang tampuhan sa inuman ay
di ko sinasadyang mabigwasan?
atraso lang naman ang nakikita kong dahilan
dahil Diyos ko,
kailanman ay ‘di ako nagtulak,
di ako nag-adik,
di ako nanggahasa o nanghalay man lang ng babae
at lalong lalo na’ng
‘di ako pumatay
“Pusher ako. ‘Wag tularan”
Ayan ang nakasulat sa kwadradong karton
na nakapatong sa aking walang buhay na katawan.
Marcelo, Aling Lina, Angelo, Carina…?
Sino pa ba?
Sila kaya?

Isa ako sa kanila
Na sinasaksak at pinaputukan ng paulit-ulit
hanggang mawalan ng hininga
Isa ako sa kanila
Silang walang malay na inagawan ng buhay
dahil sa purong muhi at personal na bersyon ng hustisya
Ito ba ang kabayaran sa ideyal na pagbabago?
Isa ako sa kanila
Gusto mo bang sumama?

Advertisements

7 thoughts on “ii. tumutulak daw ako

Add yours

  1. Reblogged this on Ika nga ni Ompong and commented:
    Isang napapanahong anekdota ni “Ligaw na Kerubin”…

    “Isa ako sa kanila
    Na sinasaksak at pinaputukan ng paulit-ulit
    hanggang mawalan ng hininga
    Isa ako sa kanila
    Silang walang malay na inagawan ng buhay
    dahil sa purong muhi at personal na bersyon ng hustisya
    Ito ba ang kabayaran sa ideyal na pagbabago?
    Isa ako sa kanila
    Gusto mo bang sumama?”

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: