Si Miriam

Nagulat na lang kami sa balitang hindi na siya nagising…
Hindi kasi kapani-paniwala na ang isang malakas na pwersa ay pumalya na pala.
Hindi kapani-paniwala na magkakaroon din pala ng tuldok ang mahabang sulid ng mga salitang hindi mapigilang mag-iwan ng tatak —
Tatak ng kilig
Tatak ng aliw
Tatak ng baliw
Tatak ng talino
Tatak ng balde-baldeng tapang na mahirap ihinto
Pansin ng masa ang dahan-dahan niyang pagpalya
Ngunit wari naming ang lahat ng tatak na nabanggit ay nandiyan pa rin kahit sa mga huli niyang sandali.
Totoong sinayang ka namin.
Totoong ikaw yung ‘dabest’ pero ‘di ka naging amin.
Sa lahat ng nasayang ikaw ang pinaka-nakapanghihinayang.
Sa lahat ng manliligaw, ikaw yung mahal ng lahat pero nakapagtatakang walang naging tayo.

Nagulat na lang kami sa balitang hindi na siya nagising…
Ngunit hinding hindi mamamatay ang palabang diwa na kapanalig ng pangalan niya na nagmarka na rin sa amin.

RIP Miriam Defensor Santiago (15 June 1945 – 29 September 2016)

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s