Bullet Dumas Song Writing Tip: “Tindi Over Time”

“Gets?” “Opo gets po, Sir Bullet Dumas.”

10/12/16

Ang memorable ng araw na ‘to, as in. Half-day lang ang klase pero required kaming pumunta sa kahit anong Alternative Classroom Learning Experience (ACLE). Isa lang dapat normally ang dapat puntahan, pero dahil wala akong mapili dahil sa sobrang daming astig puntahan, ayun, naka-attend kami ng tatlong ACLE ng kaibigan at co-app ko na si Via na Anthro major. (Pero yung totoo malandi lang talaga ko haha)

1) Bata, Bata, Bakit Ka Pagala-gala? by UP Volunteers for Children
2) Get Bready! by UP Deutscher Verein
3) TUGTOG: An ACLE on The Psychology of Music by UP Pugad Sayk

1 – 5:30 pm talaga dapat yung each ACLE pero dahil di ko kayang mag-stick to one at polygamous ako (chos), hinati ko yung oras ko sa tatlo. Bale, 1-3:30 pm ako dun sa ACLE ng UP VFC, 3:30 – 4 sa ACLE ng UP DV (naubusan kami ng free German bread though huhu, pero oks lang since hot yung German speaker

Ang pinakatumatak talaga sa akin ang ‘yung pinal na ACLE dahil nandun si idol Bullet at matagal ko na siyang gustong makita at marinig tumtugtog at umawit nang live. Matagal na kasi akong TL sa unique guitar skills niya at sa paraan niya ng pag-awit. Nung unang beses pa lang akong makanood ng video niya na tumutugtog, alam ko na agad na may bagong musikero na naman akong dapat talagang suportahan at sundan. 8 minuto ata o mas mahaba pa yung video na yun, pero di ko binitawan yung titig ko sa screen dahil sobrang namangha talaga ko sa passion niya sa pag-awit at pagtugtog. Makikita mo talaga na damang-dama niya yung ginagawa niya. “Grabe ‘to. Iba! Ang daming feels!”:’eto yung naiisip ko habang pinapanood ko siya. Parang wala siyang pakialam sa iniisip ng ibang tao dahil ang mahalaga lang sa kanya ay ‘yung mailabas nang paulit-ulit ang sobrang emosyon sa loob loob niya. “Ninuno” yung pamagat ng kanta na inawit niya sa video na yun, at dahil nga sa video na ‘yun, naging isa na ko sa mga tahimik na taga-hanga niya.

sam_7341

Bullet Dumas gives a talk for TUGTOG: An ACLE on The Psychology of Music by UP Pugad Sayk at the Benitez Theater, University of the Philippines, Diliman.

At eto na ngaa. Yung aktwal na talk niya. Nung pumasok kami sa Benitez Theater, naabutan namin siyang tumutugtog. Medyo nalungkot pa nga ako nun kasi ang akala ko ending performance na niya ‘yun. Pero hindi bes. Opening song lang pala niya yun. Ang tindi niyang tumugtog as usual. Bago niya sinimulan yung talk, nag-sorry in advance siya sa audience (sa amin) kung wala kaming mapupulot o maiintindihan sa talk niya, kasi magulo daw talaga siyang mag-explain at hindi niya daw alam kung ba’t siya Eduk major haha. Makuwento siya at witty kaya nakakatuwa pero aware siya na minsan di magkaka-connect yung mga sinasabi niya at minu-minuto, magtatanong siya ng, “Gets?” at “Nasan na ‘ko ulit?” Nakakarelate ako sa kanya in a way na, pareho kaming magulo mag-explain. Nagkwento siya about sa UP life niya at kung pa’no siya nakatungtong sa industriya ng musika.

sam_7359
Bullet Dumas, during one of his performances of his song, “Usisa”

Ang dami kong napulot sa kanya about songwriting at ang pinakatumatak sa akin ay yung “Tindi Over Time.” Ang gist nun ay, sa simula ng kanta, dapat malumanay muna, tapos habang tumatagal, dun mo na kailangang bilisan at lakasan hanggang sa maabot na yung climax. Base sa mga kanta niya, ganun na ganun nga ang paraan niya ng pagsulat.

Navideohan ko pa yung closing performance niya! Ia-upload ko yun sa YouTube soon. At nakapagpa-picture pa kami at nakamayan ko pa siya. =) Di ko na nga dapat hinugasan ee. huhu kasi touch of the guitar god yun. lol. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero na-tongue tied ako at ang nasabi ko na lang ay tumutugtog din ako (ang self-centered. shet) Tapos tinanong niya ko kung anong course ko tapos ang sabi niya, “Mag-aral nang mabuti ah.” Ayun end of convo haha, kasi tinititigan ko lang siya at nginingitian. Ang weird ko lol.

 

Advertisements

9 Comments Add yours

  1. mismei says:

    Twice ko na rin sya napanuod live.. grabe noh, intense!!! LSS pa ko nun sa NINUNONINUNONINUNOOOO~ haha sana maka-attend din ako ng talk nya. feeling ko ganun din ako, ung magulo mag-explain!

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      Truee ang intense niya po. Di siya nakakapagod tignan/pakinggan. San mo po siya napanood? Huhu kainggit!

      Liked by 1 person

      1. mismei says:

        Sa 70s bistro po last year hehe ung may show 3D ksama nya ebe dancel at johnoy danao. Tas ung sa UP fair 😀 gusto ko nga din sana ung sa kanila ni juan miguel severo kaso di ako nakapunta..

        Liked by 1 person

      2. Angel says:

        Ay niiiice. 🙂 Mahiig po talaga kayong pumunta sa gigs? Overflowing feels po siguro kung mapapanood sila nang live magkasama. Hayyy. <

        Liked by 1 person

      3. mismei says:

        Yes po paminsan minsan hehe basta maluwag ang sched. Yung UP Fair naman every year din atlis isang gabi :p

        Liked by 1 person

    2. Angel says:

      Sabi pa nga niya, okay lang daw sa kanya na magulo siya mag-explain kasi charm niya daw yun haha

      Liked by 1 person

      1. mismei says:

        Ang cute!! Hehe

        Liked by 1 person

  2. aysabaw says:

    nakakainggit ohhhhh…thanks for sharing the TINDI OVER TIME

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      Sure ate haha 🙂 Pag balik mo dito, punta tayo gigs. Hehe

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s