Tirik

Magtitirik din ako ng tatlong kandila para sa ‘yo.

Pulang kandila para sa minsang pag-ibig ko sa ‘yo na habambuhay na atang mananatiling lihim.

Puting kandila para sa hindi sadyang pagwasak mo sa aking puso. Para ito sa mga tahimik na labing sumimangot minsan dahil napagtanto nitong masaya ka na yata sa piling ng iba.

Kandilang rosas para sa inosenteng puso at diwa at sa minsang hangal nitong paghanga.

Hindi tayo masyadong nagkakilanlan, at hindi ko rin alam kung bakit matagal-tagal din kitang hinangaan.
Siguro nga masyado pa akong batang makiramdam at mag-isip ng makilala kita. Siguro nga bata lang ako na hanggang sa panaginip ka lang nakakasama. Dahil ano nga ba ang magagawa ko noon?

Pero salamat, at hiling ko sana’y masaya ka. Alay ko sa ‘yo itong tatlong kandila.

Paalam na. Huli na ito.

Advertisements

5 Comments Add yours

  1. aysabaw says:

    sabi ko na nga ba…ang undas talaga ang bagong balentayms…joke :p

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      Trueeeee po hahaha

      Liked by 1 person

      1. aysabaw says:

        😄😄😄

        Liked by 1 person

    1. Angel says:

      Hugot undas po hehehe

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s