IYAK

Gustong-gusto ko na umiyak ulit. Kasi nakakapagod. Nakakasawa na. Ang blanko ng puso ko. Pero mabigat din ito. May kulang. May hindi ako nagawa. May hindi ako nasabi. May nagawa akong mali. May nasabi akong mali. May mali akong pinili.May nawala ako. May inaantay ako. May pinag-antay ako. Nagamit ko nang mali ang oras ko, ang mga mata, tainga, paa, at kamay ko. At higit sa lahat, nagamit ko nang mali ang puso ko. 

Walang ibang pagpipilian kundi ang umiyak kaya lang hindi ako makahanap ng espasyo na ako lang mag-isa — yung walang makakarinig, walang makakakita para wala nang mag-alala at magtaka.

Magtatanong kasi sila.

“May nanakit ba sa’yo?”

“Nasingko mo ba yung major mo?”

“0 units ka ba sa CRS?”

“Iniwan ka ba nila?”

“‘Di ba sila nagyaya?”

“‘Di ba siya nagsabi?”

“Bakit ka umiiyak?”

Ayokong magpaliwanag nang inaayos ko pa yung puso ko. Ayokong magpaliwanag kung ako mismo, hindi alam kung papaano, kung ako mismo, hindi masagot yung mga tanong sa sarili ko. 

Ang hirap din naman ng umiiyak ka tapos magpapaliwanag ka, pero ‘di ka naman talaga nagpapaliwanag kasi nga ayaw mong mag-isip habang umiiyak. ‘Di ka rin naman nila maiintindihan kung ganun yung itsura mo. Siguro susubukan nilang lagyan ng lohika yung mga lumalabas sa bunganga po, pero mas malamang na kakawawaan ka nila habang nakatitig sila sa namumula mong mukha. Ewan ko lang sa iba, pero ‘pag may gumagawa sa akin ng ganun, mas napapagod yung isip ko. Ayoko na nga sanang mag-isip habang umiiyak tapos bibigyan mo pa ko ng rason para isipin kung anong iniisip mo tungkol sa akin at ss buhay ko. Malay ko ba kung hinuhusgahan mo na pala yung mga pinipili kong unahin sa buhay at kung gaano ako ka-hinang nilalang.

Basta kailangan ko lang ng espasyo para umiyak. ‘Yung gusto kong espasyo ay siyempre yung walang kahit sinong tao na pwedeng sumulpot na tititigan ka at magtatanong ng kung anu-ano. At siyempre kailangan ko rin ng oras. Siguro ayos na sa akin yung tatlong oras.

Sa ngayon mahirap pa, kasi lagi akong napapaligiran ng tao at kung makakahanap ako ng espasyo, hindi sapat ang oras para umiyak dahil susulpot din sila maya-maya. At kung makahanap man ako ng oras, wala namang espasyo para gawin iyon.

Basta. Gusto ko lang umiyak ulit nang matagal.

Sana bago matapos ang 2016 ay magawa ko ‘to.

Photo credits: Fullmetal Alchemist: Brotherhood

Advertisements

7 Comments Add yours

  1. I recommend na panuorin mo ang OreGairu… Hehehe. Out of the blue lang na naisip ko na irecommend after reading your piece. πŸ˜€

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      Ano po bang genre nito? Sige, I will watch it po. Salamat po sa recommendation! 😍

      Like

      1. Romantic Comedy. Slice of Life.

        Description from Wikipedia:
        “The story follows two loners: the pragmatic Hachiman Hikigaya and beautiful Yukino Yukinoshita, who, despite their varying personalities and ideals, offer help and advice to others as part of their school’s Service Club, assisted by the cheerful and friendly Yui Yuigahama. It largely depicts various social situations faced by teens in a high school setting and the psychology driving their interactions.”

        Liked by 1 person

      2. Angel says:

        Salamat po ulit sa pagrecommend. 😊 Mukha ngang magandaaaa πŸ™‚

        Like

  2. Gives warm to a heart. Nice

    Liked by 1 person

  3. eyebrowdonor says:

    Reblogged this on daydreams + madness and commented:
    Uhm..

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      Hi! Thank you for sharing! πŸ™‚

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s