Pilit Hugot #6

Parang integers tayo na dinidivide sa zero. Undefined.

Advertisements

Takbo

Katulad ng nakagawian, mas maaga na naman ang gising mo kaysa sa kanila. Alas-tres pa lang ng madaling araw ngunit mulat na mulat na ang iyong mga mata. Hindi ka maaaring makain ng tulog muli dahil paniguradong talo ka. Hindi ka na naghilamos. Hindi ka na nagdasal. Masasayang lang ang oras. Kailangan mong mauna. 

Pinagpag at itinabi mo kaagad ang kapiraso ng pinagtagpi-tagping dyaryo na hinigaan mo nang apat ng oras. Hindi mo nga alam kung natulog ka ba talaga o ginasta mo lang ang pahinga sa kakaisip sa kung anong mangyayari ngayong araw. Itinago mo ang iyong tanging pag-aari sa isang sulok. Hinihiling mo sa sarili na sa pagbalik mo ay naroon pa rin iyon. Dahil iyon na lamang ang mayroon ka.

Nakalatag na sa isip mo kung ano ang gagawin mo sa magdamag. Una ay pupunta kang simbahan. Hindi ka magdadasal dahil nawalan ka na ng pananampalataya. Tulad ng nakagawian, nandoon ka para magbakasakali. Bibitbitin mo ang mga bigkis ng sampaguita na paniguradong mauubos dahil pista ngayon ng Nazareno. Hindi ka tatayo lang sa isang tabi. Maiikot mo ang kabuuan ng simbahan dahil sa pagkawalang-taros ng iyong diwa. 

Hindi lang sarili ang bitbit mo ngayon. Nakasakbit sa iyong balikat ang arnis na pinag-ipunan mo pang bilhin sa palengke upang may maipangsabak ka na sa mga maliliksing binatilyo na nambubugbog sa’yo tuwing alas-sais y media. Parehong oras araw-araw ngunit nagtataka ka kung bakit kahit saan kap magtago ay natatagpuan ka pa rin nila.
Naniniwala kang hindi ka nila hahatawin ngayon. Naniniwala kang hindi nila makukupit ang kumpol ng mga baryang maiipon mo maya-maya.

Hindi natatapos sa simbahan ang pita mo na kumita. Sasamahan mo ang kababatang si Duday upang mangalap ng mga bote. Ito ang paborito mong bahagi ng buong araw dahil sa piling niya, payapa ka. Sa piling niya, bumabalik ang kagustuhan mong bumalik sa eskwela kahit na kinse ka na at baka mapag-iwanan ka na. Sa piling niya, naniniwala ka.

Kumakaripas ka na papuntang simbahan kahit na mahapdi pa rin sa bugbog ang iyong mga bisig. Ganito rin ang iyong naramdaman kahapon. Ganito ka araw-araw. Nais mo sanang matapos na ang hapdi. Nais mo sanang huwag na tumakbo at maghintay na lamang sa isang sulok hawak ang isang lata na aasahan mong puno na sa pagdilat ng iyong mga mata. Nais mo sanang magpanggap na hindi ka nakakakita. Nais mo sanang magmakaawa na lamang. Ngunit hindi. Hindi ka katulad nila. Tatakbo ka.

Photo source: http://m.favim.com/image/508758/

Maude | OPM Artist Recommendation

​I fell in love with Maude the first time I’ve heard them on YouTube.

 It was serendipity. I was listening to Sud’s Sila on repeat but I accidentally pushed the ‘next’ button because I’m so sabaw and I don’t know what I’m doing (I’m doing an acads-related paper back then and I’m shifting from one tab to another and I’m doing escapist things). And then suddenly, a beautiful song fills my ears. It was the song, “Habol.”

I was immediately in love, particularly with the song’s main guitar riff. And so just like that, it replaced Sud’s Sila as my acads inspiration song. Maude’s Habol stayed with me longer, perhaps it’s because I’m too bitter and “halaman” to appreciate Sila’s joyous and lovely mood properly.

I loved that song because it uplifts my mood a little rather than annoy. But, Habol is just so genuine and just gorgeous. There’s something about the music that brings the lyrics a little more honesty.

Here’s the music video of the song, Habol by Maude: https://m.youtube.com/watch?v=Hhy2DdOMMCs

Lyrics:

Muling nabuklat ang kalungkutan mo.

Gaya ng librong may sagot sa tanong na
“Manatili o lumayo?”
Bakit hindi ka parin matalino?

Araw araw, pagkagising, tulala.
Bago matulog, umiiyak.

Tama bang manghabol sa tanging tao na
Kaya kang saktan?

Kung ito ay krimen, lahat tayo kulong.
Inalok, tumikim, nalulong, umiyak.
Kumapit sa pamilya bigla,
Sadyang walang saklolo sa pusong bulag.

Ano ka? Gamu-gamo?
Alam nang masakit, lapit pa ng lapit.

Tama bang manghabol sa tanging tao na
Kaya kang saktan?
Ang hilig kasi manghabol sa tanging tao
Na kaya kang saktan.

Tama bang manghabol sa tanging tao na
Kaya kang saktan?
Ang nag-iisang taong may alam kung paano
Ka saktan ay siya ring nag-iisang tao na
Hindi mo makayang iwan.

Itulog mo na yan.

And if you haven’t heard it yet (you probably have), here’s Sila by Sud: https://m.youtube.com/watch?v=4-aEEUaEQts

I’m so happy that I’ve discovered these two bands (Maude & Sud). Now I have found a new set of artists to follow locally, other than Up Dharma Down and Bullet Dumas. Maude reminds me of Eraserheads’ lyricism and I like Sud’s instrumental diveristy. 

I personally like Maude more because of Luis Azcona’s sweet and clean vocals.

Whenever I listen to their records, I suddenly just want to do something and just FEEL. I suddenly would want to hug or punch someone while walking along Gateway at 9 PM. I would want to throw and break fragile things and then fix them afterwards, or maybe lie on Sunken Garden to watch the glittering, lonely stars. And most importantly, their records inspire me to, surprisingly, just sit down and study. Their songs make me want to escape and face reality at the same time.

Maybe I’m attracted to them mostly because the genre of their music is somewhere between pop and indie rock which is my kind of hybrid genre. But what makes me stay with this band is how their music and the lyrics flawlessly fit together. Please do listen to them.

Photo sources:

https://plus.google.com/+Opm-musicsBlogspot/posts/e6cfve8HTwW

http://vandalsonthewall.com/100-essential-filipino-tracks-of-2015-80-61/

http://ternorecordings.com/artists/maude/

http://bakitwhy.com/articles/Indie-Expansion-Maude-Joins-Terno

@MAUDE_manila

ako na lang sana

Ilang buwan din kitang hinangaan.

Nagulat na lang ako sa balitang tatay ka na pala.

Totoo ba?

Parang hindi ko ata maisip.

Alam mo ba kung ano talaga yung naiisip ko?

Yun ay yung ba’t di mo ko hinintay?

Ako dapat inanakan mo ee.

Ikaw talaga. Atat ka naman oh.

Naunahan tuloy ako.

Charot lang.

Pero labyu pa rin.

Ilan pa po ba?

 

Bakit ba hirap ang diwa na malamon na sa wakas ng kahit saglit lamang na pahinga?

Ilang kape pa ba ang hihigupin?

Ilang kuto pa ba ang bibilangin?

Ilang katinko pa ang hihithitin?

Ilang mahahabang readings pa ba ang babasahin?

Ilang awitin pa ba ni Aiza ang diringgin?

Ilang palabas pa ba sa ABS ang papanoorin?

Ano pa ba ang dapat kong gawin,

upang sa wakas ay ako’y iyong lamunin?

 

Tokhang?

Bitbit ko na ang tikoy na matagal-tagal ko ring ipinangakong sa inyo’y dadalhin.
Pasensya na,
kung sa ngayon, eto lang ang madadala.
Sa susunod naman
kapag nakaluwag-luwag na’y,
asahang hindi lang ito ang matitikman niyo.
Isang dosenang tsokolate at prutas ang madadala ko sa inyo, inay at itay,
Lindsay, Abet, Nicolas.

Sabik na akong umuwi kaya naman kumaripas na ako ng takbo
Sa gitna ng magkakahilerang tahanang pinagtagpi-tagpi
at mga pawisang bata na maghapon atang nangalakal at nangalkal ng mga basura sa may batis sa ‘di kalayuan.

Habang papalapit ako sa aming tahana’y pansin ko na agad ang pulu-pulotong ng mga kapitbahay tila dumarami ata ang bilang sa bawat hakbang.
Bumigat ang aking puso dahil sa tahanan namin sila patungo.

Padaan! Tirahan namin ‘yan! Padaan! ‘Nay! ‘Tay! Lindsay! Abet! Nico!

Tumigil ang aking mga hakbang.
Kasabay ng pagtulo ng mabibigat na luha ay ang dahan-dahang pagbitaw ko sa kahon ng tikoy na kanina’y mahigpit ko pang hawak-hawak.

Binaha ng dugo ang lapag na dati’y lugar kung saan pinagsasaluhan namin ang tuyong madalas na hapunan.
Pinaligiran ng mga nagkalat na bala ang mga sulok kung saan madalas naming pinagkukumpol ang mga kalakal na nakolekta sa magdamag.
At ang banig kung saan kami nagbubulungan ng mga malalaking pangarap tuwing gabi, nagtatawanan sa mga problemang kinaharap namin sa maghapon at sa sumisikip na espasyo ng banig dahil sa paglobo ni bunso —
Sa banig na iyon ay nakahandusay ang kanilang mga bangkay.
Walang mga ngiti.
Walang mga pawis.
Walang mga ngiwi.
Hinahanap-hanap ko rin ang kaunting galit sa mukha ni inay.
Ngunit wala.
Wala.

Tokhang.
Tokhang.
Paulit-ulit ko itong naririnig sa pagitan ng aking mga hikbi.

Kinuha ko ang nakasilid na baril malapit sa paanan ni Itay.
Isang putok ang aking huling narinig.

#StoptheKillings  #StopEJK

Photo source: The Philippine Star