Pahimakas

Napakadaling magbitaw ng mga pangakong magbabago
magsisipag ka na sa susunod

magbabawas na ng timbang

mag-aaral

hindi na magsasayang ng oras

hindi na magmamahal

hindi na manloloko

hindi na magpapaloko

madali ring tuluyan ng lubayan ang mga taong nanakit sa ‘yo

yung mga akala mo’y kaibigan

yung mga loko-lokong sinasabing ikaw lang

yung mga kawawang bawat mali mo ay pinupuna

pati na rin

yung mga pangako nilang napako

yung mga pinaniwalaan mo na hindi naman pala totoo

yung mga kinain mong salita galing sa kanila dahil akala mo’y tama sila

na tama silang hindi ka malakas.
Madali nga ba?

Nakakahawa naman kasi ang bawat testimonya ng pagbabago sa paligid

“Bagong taon, bagong ako”

Parang ‘yan din ang sinabi ko noong 2015 

May mga nagbago naman

may mga tao kasing dumating at nanakit

may mga tao ding nakita na nagpalawak ng aking

“Bagong taon, bagong ako”

sa dami ng mga nilista ko, kaunti lang naman ang nawastuhan tulad ng kanila

“Bagong taon, bagong ako”

sana naman, may maiwasto na akong matino.
Paalam 2016.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s