Sana maging totoo ka naman

​Kaibigan,
nagtataka pa rin ako

kung bakit ka nagsinungaling

at siguro’y nagtataka ka rin ngayon kung papaano ko nalaman.

Madali ka naman kasing mabasa’t

mapakinggan

kaya naman

madali kong nahanap

ang mga butas

sa mga salitang lumabas sa iyong bibig.

Oo na’t mababaw na kasinungalingan lang iyon

mababaw

ngunit malalim

ang sugat na ginawa nito sa ating pagkakaibigan.

Pinili ko na lang ngang ‘wag nang buksan pa ang usapan

dahil ayoko namang mawalan pa ng kaibigan

ngunit kaibigan

hindi ko na sigurado

kung sa susunod na may ibabahagi ka

ay maniniwala pa ko.

Advertisements

3 Comments Add yours

  1. Zenny says:

    Iba talaga. Is this in real life?

    Liked by 1 person

    1. Angel says:

      Yes po, sadly 😦

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s