Kalimot

Paano nga ba makalimot? ‘Yung malupit na kalimot ah. ‘Yung ‘di mo na maaalala ‘yung lahat ng sinabi niya, kahit na ‘yung mga matatamis na katagang lumabas sa bibig niya. ‘Yung tamis kasi na ‘yun, hindi lang pala para sa akin. ‘Yung tamis kasi na ‘yun, ‘di pala espesyal, kasi marami na pala’ng nakarinig, marami na’ng nakatanggap. Hindi lang ako. Kasi hindi naman pala ako espesyal para sa iyo. Naaawa na lang ako sa sarili ko kapag naaala ko yung mga sinabi mo, tapos mapapangiti ako. Maaalala ko bigla, na, oo nga pala, kupal ka nga pala. Pinaasa mo kasi ako at pinaniwala na ako lang, na may gintong lugar ako sa daigdig mong napakalawak, na puno ng nilalang na pwedeng pwede mong pag-pilian. Sino nga ba kasi talaga ako, ‘di ba? Isa lang naman akong tanga na nagpaniwala sa isang tulad mo. Sino ka ba? Pinaniwala ko yung sarili ko na iba ka. Ganun naman parati, ‘di ba? Gusto nating maniwala. Pero natuklasan kong mali ako. Katulad ka rin ng maraming taong nakilala ko. Sino ka nga? Oo nga pala, ikaw yung nagpaikot sa ‘kin. Kung ganon, anong tawag sa ‘yo? Isipin mo. Uulitin ko pa ba? ‘Di rin naman kita masisisi, kasi siguro nga bata ka pa nga. Hindi mo rin mahanap sarili mo. Dahil ‘di mo mahanap sarili mo, ‘di mo namamalayang niloloko mo na pala ako? O sige. Kaya kakalimutan na kita ah? Pero hindi ko kakalimutan ‘yung napulot ko mula dito. Magiging maingat na ‘ko sa pagbubukas ng puso ko, dahil mahirap ng mahulog ulit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s